Lumakas at ganap nang typhoon ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name “Wutip”
Ito ay huling namataan sa layong 2,400 kilometers silangan ng Mindanao.
Taglay ang lakas ng hanging nasa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 160 kilometers per hour.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz, mababa pa rin ang tiyansa nito pumasok sa bisinidad ng ating bansa.
Sa ngayon, umiiral sa bansa ang northeast surface windflow na magdadala ng may kalamigang hangin sa gabi hanggang madaling araw.
Asahan din ang mga pulu-pulong mahihinang ulan sa silangang bahagi ng Luzon at Kabisayaan.
Facebook Comments