Nakalabas na ng bansa ang severe tropical storm Ninfa.
Huling namataan ang bagyo sa layong 690 kilometers hilangang silangan ng dulong hilagang Luzon.
Lumakas pa ang dala nitong hanging aabot sa 110 kilometers per hour at pagbugsong nasa 135 kph.
Kumikilos ito pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – patuloy nitong hahatakin ang hanging habagat na magpapaulan sa gitna at katimugang Luzon.
Maaliwalas na ang panahon sa buong Kabisayaan habang mainit at maalinsangan sa halos buong Mindanao.
Facebook Comments