Manila, Philippines – Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Odette.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 280 kilometers kanluran-hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kph at may pagbugsong 113 kph.
Bumagal ang kilos nito sa 10 kph habang tinatahak ang direksyong kanluran – hilagang kanluran.
Nakataas na lamang ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Pangasinan.
Asahan ang panaka-nakang mahihinang pag-ulan sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Metro Manila.
Mapanganib pa ring maglayag sa mga baybayin ng Northern Luzon, Western seaboards ng Central Luzon maging ang Western at Southern seaboards ng Southern Luzon.
Bukas ay inaasahang bubuti ang lagay ng panahon sa malaking parte ng Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Odette ngayong umaga.