Bagyong Odette, lumakas pa habang papalapit sa mga lalawigan ng Dinagat Islands at Surigao; signal no. 3 nakataas sa 8 lugar

Bahagya pang lumakas ang Bagyong Odette habang papalapit sa mga lalawigan ng Dinagat Islands at Surigao.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 330 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Mula sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna kanina ay umaabot na ngayon ang lakas nito sa 150 kilometro kada oras.


Taglay ng bagyo ang pagbugsong aabot sa 185 kilometro kada oras at kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Sa kasalukuyan, nakataas ang Signal no. 3 sa

• Southern leyte
• Southern portion ng Leyte
• Bohol
• Eastern portion ng Cebu kabilang ang Camotes Islands
• Dinagat islands
• Surigao del Norte
• Northern portion ng Agusan del Norte at Surigao del Sur

Signal no. 2 naman sa mga sumusunod na lugar

• Mainland Masbate,
• Ticao Island,
• Romblon, at Cuyo Island
• Northern Samar
• Eastern Samar
• Samar
• Biliran
• Nalalabing bahagi ng Leyte

• Nalalabing bahagi ng Cebu kabilang ang Bantayan Islands
• Negros Oriental
• Negros Occidental
• Siquijor
• Guimaras
• Iloilo
• Antique
• Capiz

• Aklan
• Nalalabing bahagi ng Surigao del Sur
• Nalalabing bahagi ng Agusan del Norte
• Agusan del Norte
• Agusan del Sur
• Northern portion ng Bukidnon
• Misamis Oriental
• Camiguin
• Extreme northern portion ng Misamis Occidental at ng Zamboanga del Norte

Samantala, nasa ilalim ng Signal no. 1 ang:

• Catanduanes
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Albay
• Sorsogon
• Burias Island
• Marinduque
• Southern portion ng Quezon
• Batangas
• Oriental Mindoro
• Occidental Mindoro
• Northern at central portions ng Palawan
• Northern portion ng Davao Oriental, Davao de Oro at Davao del Norte
• Nalalabing bahagi ng Misamis Occidental at Bukidnon
• Lanao del Norte
• Lanao del Sur
• Northern portion ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Zur at Zamboanga Sibugay

Facebook Comments