Bagyong Odette – nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility; Isa, patay sa pananalasa ng bagyo

Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Odette.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 350 kilometro kanluran – Hilagang Kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugsong 140 kph.


Bagama’t ibinaba na ang lahat ng Tropical Warning Signals, makararanas pa rin ng mahina hanggang sa minsan ay malakas na pag-ulan ang Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Zambales, Bataan maging ang Metro Manila.

Nagbabala rin ang pagasa sa mga ba-biyahe sa mga karagatan sa Northern Luzon, Western Seaboards ng Central Luzon at Western at Southern Seaboard ng Southern Luzon.

Samantala, isang panibagong Low Pressure Area naman ang namataan sa layong 2,000 kilometro sa silangang bahagi ng Mindanao.

Sunrise: 5:47
Sunset: 5:36

Facebook Comments