Manila, Philippines – Lalong bumilis ang bagyong Odette habang kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 30 kilometer per hour.
Pero, sa kabila nito, napanatili ng bagyong ang taglay nitong lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hours at pagbugsong aabot sa 65 kph.
Inaasahan na magla-landfall si Odette sa Cagayan o Isabela mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw.
Nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signal number 1 dahil sa bagyong Odette.
Sakop na ng storm warning signal number ang Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Facebook Comments