Nag-ikalawang landfall na ang Tropical Depression “Ofel” sa bisinidad ng Matnog, Sorsogon.
Nabatid na unang beses itong naglandfall sa Can-Avid, Eastern Samar.
Mula kaninang alas-7:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 30 kilometers Timog Kanluran ng Juban, Sorsogon o 30 km Hilagang Silangan ng Masbate City, Masbate.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 55 km/hr.
Bumilis pa ang galaw ito sa 25 km/hr at tinatahak ang direksyong Kanluran-Hilagang Kanluran.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batangas
– Katimugang bahagi ng Laguna
– Katimugang bahagi ng Quezon
– Occidental Mindoro
– Oriental Mindoro
– Marinduque
– Romblon
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Masbate (Kasama ang Ticao at Burias Islands)
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
Ayon sa DOST-PAGASA, patuloy itong tumatawid sa katimugang Luzon at mananatili itong nasa Tropical Depression category habang papalabas ng bansa.
Mananatili ang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, CALABARZON, Marinduque, Romblon at Mindoro Provinces.
Magkakaroon naman ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran.
Nakakaapekto naman ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa malaking bahagi ng Mindanao.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o Biyernes ng hapon.