Bagyong Ofel, inaasahang magla-landfall sa Eastern Samar ngayong umaga

Inaasahang magla-landfall ang Tropical Depression “Ofel” sa Eastern Samar ngayong umaga.

Huling namataan ang bagyo sa layong 30 kilometers Silangan, Hilagang Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 55 km/hr.


Kumikilos ang bagyo pahilagang kanluran sa bilis na 10 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

• Katimugang bahagi of Quezon
• Marinduque
• Romblon
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Catanduanes
• Albay
• Sorsogon
• Masbate (kasama ang Ticao at Burias Islands)
• Northern Samar
• Eastern Samar
• Samar
• Biliran
• Hilagang bahagi ng Leyte

Ayon sa DOST-PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Southern Quezon, Marinduque at Romblon.

May mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Metro Manila, Mindoro at natitirang bahagi ng Kabisayaan at CALABARZON.

Pagkatapos nitong tumawid ng Samar at tutungo ito sa Masbate, Romblon at Mindoro Provinces.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa biyernes ng hapon.

Ang bagong weather advisory ng PAGASA ay ilalabas ngayong alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments