Nakalabas na ng Luzon landmass ang Tropical Depression ‘Ofel’.
Huling namataan ang bagyo sa baybayin ng Lubang, Occidental Mindoro.
Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 55 km/hr.
Kumikilos ito Pakanluran – Hilagang Kanluran sa bilis na 20 km/hr.
Nakataas ang Tropical Cyclone Warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batangas
– Laguna
– Cavite
– Rizal
– Hilaga at Gitnang bahagi ng Quezon
– Metro Manila
– Bataan
– Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro
– Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
Ayon sa DOST-PAGASA, patungo na ang bagyo sa West Philippine Sea at mataas ang tiyansang humina bilang Low Pressure Area (LPA).
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Central Luzon dahil sa bagyo habang ganito rin ang asahang panahon sa Occidental Mindoro at Palawan kasama ang Calamian, Cuyo at Kalayaan Islands bunga ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.