Bagyong Ofel, nasa bisinidad na ng Batangas Province

Nag-ikalimang landfall na ang Tropical Depression Ofel sa San Juan, Batangas.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Lobo, Batangas.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 55 km/hr.


Kumikilos ito Pakanluran – Hilagang Kanluran sa bilis na 20 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning signal number 1 sa sumusunod:
– Batangas
– Cavite
– Rizal
– Quezon
– Metro Manila
– Bataan
– Occidental Mindoro
– Oriental Mindoro
– Marinduque

Inaasahang kikilos na ito palayo ng kalupaan at palapit ng West Philippines Sea at tutumbukin ang Vietnam.

Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Aurora, Bulacan at hilagang bahagi ng Quezon.

May mahihina hanggang sa katamtaman na minsan ay malalakas na pag-ulan sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Pangasinan, natitirang bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, natitirang bahagi ng CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago.

Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga o hapon.

Facebook Comments