Posibleng lumakas at maging Tropical Storm ang Bayong ‘Ofel’ habang patungo ito ng West Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 50 kilomters ng Juban, Sorsogon taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batangas, Southern Portion ng Laguna, Central at Southern Portions ng Quezon Province, Calamian Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Bicol Province, CALABARZON, Aurora, Marinduque, Romblon at Mindoro Provinces.
Light to moderate to heavy rains naman ang inaasahan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at ilang bahagi ng Central Luzon.
Samantala, habagat pa rin ang makakaapekto sa CARAGA, Davao, Saranggani at ibang bahagi ng Mindanao kaya’t asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Nag-abiso naman ang PAGASA sa mga lugar na makakaranas ng ulan lalo na sa mga low-lying area at bulubundukin na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Una nang nag-landfall ang Bagyong Ofel kaninang 2:30 ng madaling araw sa Can-avid, Eastern Samar at muling nag-landfall kaninang alas-6:00 ng umaga sa Matnog, Sorsogon.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area Of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng umaga o hapon.