Tatlo pa lamang ang kinukumpirmang patay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pananalasa ng bagyong Ompong
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – kabilang sa mga namatay ay ang dalawalang responders na inatasang tumulong sa disaster preparations sa Cordillera region.
Posible aniyang nabiktima ang mga ito ng landslide.
Isang walang buhay naman na babae na tinatayang may edad siyam hanggang 12 ang nakitang palutang-palutang sa Marikina river.
Pero sa impormasyon galing sa mga local at provincial governments…higit sa tatlo ang naitalang patay.
Kabilang na rito ang isang hindi nakikilalang babae naman ang patay matapos matabunan ng lupa sa Baguio.
Sa Benguet, tatlo ang patay habang anim ang nawawala sa magkahiwalay na landslide sa bayan ng Itogon.
Sa Nueva Vizcaya, patay din sa landslide ang apat na magkakamag-anak sa Barangay Banao, bayan ng Cayapa.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang consolidation ng bilang ng casualties.