BAGYONG OMPONG | DOST-PAGASA, nagbabala sa storm surge

Nagbabala ang DOST-PAGASA ng storm surge o daluyong sa mga coastal areas at malalakas na ulang dala ng typhoon Ompong.

Ayon kay Weather Specialist Shiella Reyes, mararanasan ito sa Cagayan at Isabela bukas, September 14.

Mararamdaman na rin ito sa northern Luzon pagsapit ng Sabado, September 15.


Asahan naman ang katamtaman hanggang sa malalakas na ulan hatid ng pinalakas na hanging habagat ngayong araw sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Siquijor, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Dinagat Islands at Lanao del Sur.

Bukas ay asahan na rin ang monsoon rains sa Palawan, Bicol Region at buong Visayas.

Patuloy na magpapaulan hanggang Sabado, September 15 ang dala ng habagat sa Zamboanga Peninsula, Palawan at Western Visayas.

Ang natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magkakaroon ng paminsan-minsang malalakas na ulan at pagbugso ng hangin simula bukas, September 14.

Facebook Comments