BAGYONG OMPONG | DSWD, naka-red alert status na

Itinaas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa red alert status ang kanilang paghahanda para sa pagtama ng bagyong Ompong.

Nagtayo na ng broadband global area network sa Batanes at Baguio City nang matiyak ang maayos na komunikasyon.

Sa Region 1, nakapagpadala na ng 1,100 family kits, 2,600 sleeping bags, at 2,166 hygiene kits.


Nakahanda na rin ang nasa 1,000 family food packs sa Concepcion, Tarlac at Mountain Province.

Tumulong na rin ang Philippine National Police (PNP) sa delivery ng mga saku-sakong bigas ng National Food Authority (NFA) sa Basco, Batanes.

Sa ngayon, ang DSWD ay may kabuoang higit 350,000 family food packs, ang food at non-food items ay nagkakahalga ng higit ₱710 million.

Mayroon ding standby funds na aabot sa higit ₱872 million.

Pinayuhan ni DSWD Secretary Virginia Orogo ang lahat ng field offices sa mga apektadong rehiyon na magbigay ng monitoring updates para sa kakailanganing tulong ng mga Local Government Units (LGUs).

Facebook Comments