BAGYONG OMPONG | Halos 140,000 indibidwal, nanatili sa evacuation centers – DSWD

Umabot sa 138,000 na indibidwal ang nanatili sa evacuation areas sa Northern at Central Luzon, kasunod ng hagupit ng bagyong Ompong.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 137,994 individuals o katumbas ng 35,720 na pamilya ang nanunuluyan sa 1,250 evacuation centers sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera at Metro Manila.

Ayon kay DSWD acting Secretary Virginia Orogo, nakikipagtulungan ang mga social welfare offices sa mga Local Government Units (LGUs) para sa profiling ng mga displaced families.


Aabot sa 700 family food packs na rin ang naipadala sa Aurora Province.

Nagtatag din ng emergency communication lines sa Kalinga at Apayao bilang bahagi ng DSWD rescue operations.

Ang national government ay naglaan ng ₱8 million na halaga ng ayuda, isang milyong piso naman galing sa local governments at ₱77,000 ay nagmumula sa Non-Government Organizations (NGO).

Facebook Comments