Isinailalim na sa state of calamity ang ilang lugar matapos manalansa ang bagyong Ompong.
Kabilang rito ang Cagayan, Tuguegarao City, Abra, Benguet, Mayoyao, Ifugao at Ilagan City, Isabela.
Dahil sa pagdedeklara ng state of calamity ay magkakaroon ng price freeze sa mga basic commodities sa nasabing mga lalawigan.
Sa ngayon, magsisimula na ang relief at rebuilding operations para sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.
Facebook Comments