BAGYONG OMPONG | Ilang paliparan sa bansa sarado hanggang bukas

Bunsod ng pananalasa ng typhoon Ompong sa ilang bahagi ng bansa.

Pansamantalang isinara ang 9 na paliparan partikular sa Northern Luzon.

Kabilang dito ang airport sa Basco Batanes, Cauayan, Tuguegarao, Lingayen, Laoag, San Fernando, Itbayat, Vigan at Palanan Isabela.


Magmula ngayong araw sarado ang mga nabanggit na paliparan hanggang alas kwatro bukas ng hapon maliban na lamang sa Laoag airport na alas dyes pa ng gabi magiging operational.

Nagpalabas narin ng notice to airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga nabanggit na paliparan.

Samantala sa impormasyon mula naman sa Department of Transportation (DOTr) nagkanda wasak-wasak ang kisame at nabasag ang ilang salamin sa Passenger terminal building ng Tuguegarao Airport.

Sa ngayon umaabot na sa kabuuang 115 ang cancelled flights kung saan 74 dito ang domestic habang nasa 41 international flights naman ang nakansela dahil sa bagyong Ompong.

Facebook Comments