Kinumpirma ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na 4,653 na mga pasahero, rolling cargoes 613, vessel 55 at motorbanca 18 ang na-stranded dulot pa rin ng hagupit ng bagyong Ompong.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga pasahero ang mga na-stranded sa mga pantalan ng Batangas Port, Talao-Talao Port, Pinamalayan Port, Real at Polilio Port dahil sa lumalakas ang mga alon sa karagatan dulot ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Pinayuhan ni Balilo ang mga pasahero na maging mapagmatyag at huwag nang magpupumilit pa dahil walang saksakyang pandagat ang makapaglalayag kapag ganitong sitwasyon.
Inatasan na rin ng opisyal ang kanilang mga tauhan na mahigpit i-monitor ang mga sasakyang pandagat upang matiyak na walang makapaglalaot na mga mangingisda sa karagatan.