Nakaalerto na ngayon ang mga sundalo sa Northern Luzon bilang paghahanda sa magiging epekto ng inaasahang pagtama ng malakas na bagyong Ompong sa bansa.
Ayon kay Major Ericson Bulosan tagapagsalita ng AFP Northern Luzon Command o NOLCOM inalerto na ng pamunuan ng NOLCOM ang kanilang ground forces mula sa Army, Navy, Airforce kabilang na ang kanilang mga reservist.
Naka-standby ang mga ito para sa humanitarian assistance and disaster response operations.
Standby rin ang military resources katulad ng helicopters at navy vessels.
Mahigpit na rin silang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga pangangailangan pa sa paghahanda.
Batay sa pagtaya ng PAGASA tutumbukin ng bagyong Ompong ang kabuuan ng Luzon at magpapaulan din naman sa malaking bahagi ng Visayas gayundin sa Mindanao.