BAGYONG OMPONG | Pagpapatupad ng pre emptive evacuation, iuutos ng NDRRMC

Manila, Philippines – Iuutos ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa kanilang mga Regional Offices na ipatupad na ang Pre-Emptive Evacuation.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Dir. Edgar Posadas mahalagang bago pumasok sa Philippine Area of responsibility ang bagyong Ompong at tumbukin ang ilang lugar sa Luzon ay naipatupad na ang pre emptive evacuation.

Partikular aniya nilang ipatutupad ang pre emptive evacuation sa mga lugar na tutumbukin ng bagyong Ompong.


Mas pinag iingat naman ng NDRRMC ang mga residente sa mga lalawigan ng Cagayan Isabela Apayao Abra Batanes at Babuyan group of Islands.

Ang mga lugar na ito aniya ang lubhang tinamaan ng bagyong neneng na nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility pero dahil ang ilan sa mga lugar na ito ay tumbok rin ng bagyong Ompong posibleng magkaroon ng landslide at flashflood.

Kaugnay nito nangako na rin ang mga higanteng TelCos o Telecommunication Companies na magbibigay ng mga emergency lines sa sandaling bumigay na ang mga linya ng komunikasyon at kuryente

Nakahanda na aniya ang 1.8 bilyong pisong standby fund para sa food and non food items na magmumula sa DSWD at ipapamahagi sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments