BAGYONG OMPONG | QC govt, pinakalat na ang mga rescue units

Quezon City – Dineploy na ng Quezon City government ang urban search and rescue teams nito sa mga critical areas sa lungsod upang paghandaan ang pinsalang idudulot ng bagyong Ompong.

Ito ang napagpasyahan sa ginanap na pre-disaster risk assessment meeting ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, simula ngayong araw, popostehan na ng search and rescue teams ang mga flood prone areas kabilang ang Barangay Apolonio Samson Barangays Roxas at lugar ng Araneta Avenue .


Sisimulan na rin ngayong araw ng parks development and administration department ang pagti-trim sa mga punong kahoy na nasa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Inatasan din ng alkalde ang Department of Building Official at building administrators na i-roll-up o tiklopin na ang mga billboards at tarpaulin signs sa mga gusali.

Sa panig naman ng Social Services Development Department, inihahanda na nito ang 84 na evacuation center sa anim na distrito sa lungsod at ang paghahanda ng mga social workers at relief goods.

Una nang ideneklara sa Quezon City na walang pasok sa klase sa lahat ng level sa public and private schools bukas at Sabado.

Facebook Comments