Pumasok na kaninang madaling araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Onyok.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,100 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – inaasahang magdadala ito ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.
Nakakaapekto ang trough o buntot ng bagyo sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Visayas at buong Mindanao ay magiging maaliwalas ang panahon.
Inaasahang lalabas ito ng PAR sa Martes ng umaga.
Facebook Comments