BAGYONG PAENG | Force evacuation, ipinatupad na sa Itogon, Benguet

Itogon, Benguet – Nagpatupad na ng force evacuation sa Itogon, Benguet.

Ito ay bilang paghahanda sa magiging epekto ng papalapit na bagyong Paeng sa northern Luzon.

Ayon kay Benguet Police Director Senior Superintendent Lyndon Mencio, ipinag-utos na niya ang paglilikas ng mga residente at nasa 500 rescue workers mula sa ground zero at sa mga bisinidad ng level 070 at first gate sa Barangay Ucab sa Itogon.


Nakatanggap kasi sila ng mga ulat na ilang pamilya na lumikas noon bago manalasa ang bagyong Ompong ay bumalik sa landslide area.

Aniya, mayroong tatlong backhoes ang nagsasagawa ng paghuhukay para marekober pa ang ibang natabunang bangkay.

Sa ngayon, aabot na sa 45 bangkay ang narekober habang 23 pa ang nawawala.

Facebook Comments