Manila, Philippines – Lalo pang lumakas ang bagyong “Paolo” habang nasa Philippine sea.
Huli itong nakita sa layong 745 kilometro ng hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 145 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa direksyong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 17 kph.
Dahil dito, asahan na ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng bagyong “Paolo.
Samantala, patuloy ring binabantayan ang Low Pressure Area na nasa layong 260 km ng kanluran hilagang-kanluran ng Puerto Prinsesa City sa Palawan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila 26 to 32 degree celsius.
*Sunrise: 5:47 am*
*Sunset: 5:34 pm*
Facebook Comments