Bagyong Paolo, bumagal – panibagong LPA namataan sa Palawan

Manila, Philippines – Bahagyang lumakas at bumagal ang bagyong ‘Paolo’.

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 895 kilometro ng silangan ng Daet, Camarines Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometer per hour at pagbugsong nasa 145 kph.


Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Visayas, Zamboanga Peninsula, at ARMM.

Katam-tamang hanggang sa malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslides ang iiral sa natitirang bahagi ng Mindanao, Bicol Region, Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Habang maulap na kalangitan na may isolated thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Samantala, namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa 185 kilometro sa kanlurang bahagi ng Puerto Princesa City, Palawan na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.

Sunrise: 5:48 am
Sunset: 5:34 pm

Facebook Comments