Malakas na ulan at hangin ang tumama sa malaking bahagi ng Pangasinan kahapon Oktubre 3, 2025, dulot ng Bagyong Paolo. Patuloy ang pagbuhos ng ulan at bugso ng hangin sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, na nagdulot ng pagbaha sa mabababang lugar at pagkansela ng ilang klase at biyahe.
Sa kuhang video ni Jerald Dispo mula sa Sitio Sabangan, Bonuan Gueset, Dagupan City, makikita ang matinding hampas ng hangin at ulan sa gitna ng pananalasa ng bagyo.
Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang hilagang bahagi ng Pangasinan, kabilang ang Dagupan City, na nananatiling nasa ilalim ng State of Calamity bunsod ng pinsalang iniwan ng mga naunang bagyo. Patuloy ang pagbabantay ng lokal na pamahalaan at mga emergency response teams sa sitwasyon.
Sa ngayon, humihina na ang bagyo habang papalapit sa exit point ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ayon sa PAGASA, Aasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility ngayong alas dos ng hapon ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









