Bagyong Paolo, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility

Basco, Batanes – Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang typhoon Paolo.

Huli itong namataan sa layong 1,345 kilometers silangan, hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagong pa-hilaga, hilangang-silangan sa bilis na 30 kph.

Walang nakataas na storm warning signal sa bansa.

Pero asahan pa rin ang mahihinang pag-ulan bunsod ng thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas at Palawan.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 31 degrees celsius.

Sunrise: 5:48 ng umaga
Sunset: 5:32 ng hapon

Facebook Comments