
Humina na bilang Typhoon ang Bagyong Pepito habang nasa bahagi na ng Nueva Vizcaya.
Sa huling update ng DOST-PAGASA as of 8PM, namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Santa Fe, Nueva Vizcaya.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 275 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Sa ngayon, nakataas na lamang ang Signal number 4 sa mga sumusunod na lugar:
• Gitnang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora)
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Timog bahagi ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe)
• Benguet
• Timog bahagi ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo, Galimuyod, Cervantes, Sigay)
• La Union
• Hilaga at silangang bahagi ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas, Dagupan City, Anda, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Lingayen, Binmaley, Sual, Labrador)
• Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Bongabon, Pantabangan, Rizal, Lupao, San Jose City, Carranglan, Science City of Muñoz, Talugtug, Cuyapo, Llanera)
Nasa Signal number 3 naman ang:
• Timog bahagi ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, San Manuel, Burgos)
• Nalalabing bahagi ng Ifugao
• Mountain Province
• Timog bahagi ng Kalinga (Pasil, Tanudan, Lubuagan, Tinglayan)
• Timog bahagi ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo, Boliney, Peñarrubia, Bucloc, Sallapadan, Bucay)
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• Nalalabing bahagi ng Pangasinan
• Hilaga at silangang bahagi ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, City of Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao)
• Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
• Nalalabing bahagi ng Aurora
Inilagay naman sa Signal number 2 ang mga sumusunod na lugar:
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Timog-kanluran bahagi ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)
• Nalalabing bahagi ng Kalinga
• Timog bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao)
• Nalalabing bahagi ng Abra
• Ilocos Norte
• Zambales
• Nalalabing bahagi ng Tarlac
• Hilagang bahagi ng Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Dinalupihan)
• Pampanga
• Bulacan
• Metro Manila
• Rizal
• Hilagang-silangang bahagi ng Laguna (Kalayaan, Paete, Pangil, Pakil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac)
• Hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands
Habang, Signal number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Apayao
• Nalalabing bahagi ng Bataan
• Cavite
• Nalalabing bahagi ng Laguna
• Batangas
• Gitnang bahagi ng Quezon (Calauag, Pitogo, Lucena City, Pagbilao, Tiaong, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, Dolores, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Tagkawayan)
• Lubang Islands
• Kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Santa Elena, Paracale, Labo, Vinzons, Jose Panganiban, Capalonga)
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Pepito bukas ng umaga o tanghali.










