Bagyong Pepito, inaasahang magla-landfall sa Aurora-Isabela; Signal number 1, nakataas 22 lalawigan sa bansa

Inaasahang magla-landfall mamayang gabi ang Tropical Depression ‘Pepito’ sa Aurora-Isabela.

Huling namataan ang bagyo sa layong 440 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.

Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 km/hr.


Bahagyang bumilis ito sa 25 km/hr at tinatahak ang direksyong Kanluran, Hilagang Kanluran.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod:

Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Bulacan
Pampanga
Bataan
Metro Manila
Rizal
Hilagang Bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
Dulong Hilagang bahagi ng Camarines Norte

Ayon sa DOST-PAGASA, mataas ang tiyansang lumakas pa ang bagyo at maging Tropical Storm bago tumama ng kalupaan.

Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan at Benguet

Mayroong mahihina hanggang sa katamtaman na minsan ay malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, natitirang bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA.

Facebook Comments