Mas lumakas pa ang Bagyong Pepito at isa nang Tropical Storm.
Huling namataan ang Bagyong Pepito sa layong 295 kilometers Silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pabugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Kasalukuyang tinatahak nito ang direksyong pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Inaasahang tatawirin nito ang kalupaan ng Luzon at bukas ng umaga, asahang nasa West Philippine Sea na ang Bagyong Pepito.
Pero bago ito, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Isabela-Aurora area mamayang gabi.
Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.2 sa:
• La union
• Ifugao
• Benguet
• Nueva Vizcaya
• Quirino
• Pangasinan
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Aurora
• Southern Portion ng Isabela
• Southern Portion ng Ilocos Sur
• Norther Portion ng Zambales
• Norther Portion ng Quezon
Signal number 1 naman sa:
• Abra
• Kalinga
• Mountain province
• Bulacan
• Pampanga
• Bataan
• Metro manila
• Rizal
• Norther Portion ng Camarines Norte
• Catanduanes
• Nalalabing bahagi ng Northern Quezon
• Nalalabing bahagi ng Isabela,
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• Nalalabing bahagi ng Zambales
Makakaranas ng masungit na panahon at malakas na ulan ang mga nabanggit na lugar sa susunod na mga oras.
Asahan din ang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng Bagyong Pepito.