Lumakas pa at posibleng pa ring makapaminsala at maging banta sa buhay ang super typhoon Pepito habang nasa hilagang silangang bahagi ng Bicol Region.
Batay sa update ng DOST-PAGASA as of 2PM, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 kilometro silangang-hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 240 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sa ngayon, nakataas na ang signal no. 5 sa Catanduanes.
Signal number 4 naman sa mga sumusunod na lugar:
• Hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay)
• Hilagang-silangang bahagi ng Albay (City of Tabaco, Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu
Signal number 3 sa:
Luzon:
• Polillo Islands
• Timog-silangang bahagi ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista)
• Camarines Norte
• Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
• Nalalabing bahagi ng Albay
• Hilagang bahagi ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat, Barcelona, Castilla, Casiguran, Pilar, Donsol)
Visayas:
• Silangan at Gitnang bahagi ng Northern Samar (Palapag, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, Pambujan, Las Navas, Biri, Bobon, Catarman, Mondragon, San Roque, Silvino Lobos, Lope de Vega, San Jose)
• Hilagang bahagi ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Jipapad)
Signal number 2 naman sa mga sumusunod na lugar:
Luzon:
• Timog bahagi ng Isabela (Dinapigue, Cordon, Ramon, Alicia, City of Cauayan, Angadanan, City of Santiago, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Palanan)
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Silangang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Umingan, Natividad, San Quintin, Tayug, Santa Maria, Rosales, Balungao, San Manuel, Villasis, Malasiqui, Bautista, Mapandan, Binalonan, Alcala, Asingan, Santo Tomas, City of Urdaneta, Laoac, Manaoag, Bayambang, Santa Barbara)
• Aurora
• Nueva Ecija
• Bulacan
• Tarlac
• Pampanga
• Timog bahagi ng Zambales (Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
• Bataan
• Metro Manila
• Rizal
• Nalalabing bahagi ng Quezon
• Laguna
• Cavite
• Marinduque
• Nalalabing bahagi ng Sorsogon
• Burias Island
• Ticao Island
Visayas:
• Gitnang bahagi ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, City of Borongan)
• Hilagang bahagi ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose de Buan, Tarangnan, Motiong, Gandara, Jiabong, City of Catbalogan, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Pagsanghan)
• Nalalabing bahagi ng Northern Samar
Habang, signal number 1 naman sa:
Luzon:
• Mainland Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Nalalabing bahagi ng Pangasinan
• Nalalabing bahagi ng Zambales
• Batangas
• Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands
• Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Pola, City of Calapan, Bongabong, Roxas, Mansalay)
• Romblon
• Nalalabing bahagi ng Masbate
Visayas:
• Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• Nalalabing bahagi ng Samar
• Biliran
• Hilaga at Gitnang bahagi ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo, Abuyog, Javier, City of Baybay, Mahaplag)
• Hilagang-silangang bahagi ng Southern Leyte (Silago)
• Hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang na ang Bantayan Islands
• Hilagang bahagi ng Iloilo (Carles)
Mindanao:
• Hilagang bahagi ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)
Ayon pa sa PAGASA, maaaring mag-landfall ang bagyong Pepito sa Catanduanes bilang super typhoon at manatili ito o typhoon naman sa bahagi ng Quezon-Aurora.