Bagyong “Pepito”, malapit nang maging Super Typhoon habang nagbabadya sa Southern Luzon at Eastern Visayas

Malapit nang maging Super Typhoon ang Bagyong “Pepito” habang nagbabadya sa Southern Luzon at Eastern Visayas.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 220 kilometers silangan hilagang-silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 305 kilometers silangan ng Catarman, Northern Samar.

Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometer per hour taglay ang lakas ng hanging umaabot hanggang 175 km/h at pagbugsong 215 km/h.


Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa:

 Catanduanes
 Silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Tiwi, Malinao)
 Silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, San Jose, Garchitorena, Lagonoy, Sagñay, Tigaon, Goa)
 Easternmost portion ng Sorsogon (Prieto Diaz)
 Eastern portion ng Northern Samar (Palapag, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, Pambujan)
 Northernmost portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Jipapad)

Habang Signal Number 2 sa:

 Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
 Nalalabing bahagi ng Albay
 Nalalabing bahagi ng Sorsogon
 Ticao Island
 Camarines Norte
 Easternmost portion ng Mainland Quezon (Tagkawayan)
 Pollilo Islands
 Northern portion ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, City Of Borongan)
 Northern portion ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose De Buan, Tarangnan, Motiong, Gandara, Jiabong, City Of Catbalogan, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Pagsanghan)
 Natitirang bahagi ng Northern Samar

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

 Natitirang bahagi ng Masbate kasama ang Burias Island
 Marinduque
 Romblon
 Nalalabing bahagi ng Quezon
 Laguna
 Rizal
 Cavite
 Batangas
 Metro Manila
 Zambales
 Bataan
 Bulacan
 Pampanga
 Tarlac
 Nueva ecija
 Aurora
 Quirino
 Nueva vizcaya
 Isabela
 Central and southern portions ng Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Tuao, Rizal, Santo Niño, Lasam, Gattaran, Baggao, Amulung, Alcala, Piat, Lal-Lo, Allacapan)
 Pangasinan
 La union
 Ilocos sur
 Abra
 Katimugang bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao, Pudtol, Flora)
 Kalinga
 Mountain Province
 Ifugao
 Benguet
 Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
 Nalalabing bahagi ng Samar
 Biliran
 Hilaga at gitnang bahagi ng Leyte
 Northeastern portion ng Southern Leyte (Silago)
 Northernmost portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang ang Bantayan Islands
 Northernmost portion of Iloilo (Carles)
 Northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)

Batay sa forecast ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang Typhoon Pepito sa bisinidad ng Catanduanes mamayang gabi o bukas ng umaga.

Pero hindi rin isinasantabi ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa eastern coast ng Camarines Sur, Albay o Sorsogon sa kaparehong time frame, o kaya ay sa eastern coast ng Quezon o Aurora bukas ng tanghali o gabi.

Nagpaalala naman ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari pa ring makaranas ng malalakas na ulan at hangin, at storm surge ang mga lokalidad sa labas ng landfall point at forecast confidence cone.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Pepito sa Lunes.

Samantala, humina pa ang Bagyong “Ofel” habang mabagal na kumikilos sa dagat sa kanluran ng Taiwan.

Huli itong namataan sa layong 240 kilometer hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot ng 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 km/h.

Muling pumasok ng PAR ang Bagyong Ofel kagabi matapos na lumabas kahapon ng tanghali.

Facebook Comments