Inaasahang magla-landfall ang Super Typhoon Pepito sa silangang baybayin ng Catanduanes ngayong gabi.
Ayon sa DOST-PAGASA as of 8 PM, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 70 kilometro silangang hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 240 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran.
Nakataas pa rin ang Signal no. 5 sa Catanduanes at hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur.
Signal number 4 naman sa mga sumusunod na lugar:
• Camarines Norte
• Hilaga at timog-silangang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, San Jose, Tigaon, Sagñay, Calabanga)
• Hilagang-silangang bahagi ng Albay (City of Tabaco, Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu)
Signal number 3 sa:
Luzon:
• Aurora
• Polillo Islands
• Hilaga at silangang bahagi ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Lopez, Quezon, Perez, Alabat, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Real, General Nakar, Infanta, Mauban, Sampaloc)
• Silangang bahagi ng Rizal (Tanay, Pililla)
• Hilagang-silangang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti)
• Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
• Nalalabing bahagi ng Albay
• Hilagang bahagi ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat, Barcelona, Castilla, Casiguran, Pilar, Donsol)
Signal number 2 naman sa mga sumusunod na lugar:
Luzon:
• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Nueva Ecija
• Bulacan
• Tarlac
• Pampanga
• Zambales
• Bataan
• Metro Manila
• Nalalabing bahagi ng Rizal
• Nalalabing bahagi ng Laguna
• Cavite
• Nalalabing bahagi ng Quezon
• Marinduque
• Burias Island
• Ticao Island
• Nalalabing bahagi ng Sorsogon
Visayas:
• Northern Samar
• Hilagang bahagi ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose de Buan, Gandara)
• Hilagang bahagi ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
Habang, signal number 1 naman sa:
Luzon:
• Mainland Cagayan
• Apayao
• Ilocos Norte
• Batangas
• Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) kabilang ang Lubang Islands
• Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Pola, City of Calapan, Bongabong, Roxas, Mansalay)
• Romblon
• Nalalabing bahagi ng Masbate
Visayas:
• Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• Nalalabing bahagi ng Samar
• Biliran
• Hilaga at gitnang bahagi ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
• Hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang ang Bantayan Islands
• Hilagang bahagi ng Iloilo (Carles)
Ayon pa sa PAGASA, maaaring mag-landfall din ang Bagyong Pepito bilang super typhoon o typhoon sa bahagi ng Aurora.