Bagyong Pepito, napanatili ang lakas habang nagbabadyang mag-landfall sa bahagi ng probinsya ng Aurora ngayong hapon

Napanatili ng Super Typhoon Pepito ang lakas nito at posibleng pa ring makapaminsala at maging banta sa buhay habang nagbabadyang maglandfall sa bahagi ng probinsya ng Aurora sa pagitan ng 2:00 PM hanggang 5:00 PM.

Batay sa update ng DOST-PAGASA as of 2 PM, namataan ang sentro ng bagyo sa katubigang sakop ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 230 kilometro kada oras.


Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas ang Signal number 5 sa gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Baler, Dinalungan, Maria Aurora, Casiguran, San Luis), timog bahagi ng Quirino (Nagtipunan), at timog bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda).

Signal number 4 naman sa mga sumusunod na lugar:
• Nalalabing bahagi ng Aurora
• Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
• Nalalabing bahagi ng Quirino
• Timog bahagi ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe)
• Benguet
• Timog bahagi ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin)
• La Union
• Silangang bahagi ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas)
• Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, San Jose City, Llanera, Carranglan, Science City of Muñoz, Talugtug, Cuyapo)
• Hilaga at silangang bahagi ng Polillo Islands (Panukulan, Burdeos, Patnanungan, and Jomalig)

Nasa Signal number 3 naman ang bahagi ng:
• Timog bahagi ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna)
• Nalalabing bahagi ng Ifugao
• Mountain Province
• Timog bahagi ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo)
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• Nalalabing bahagi ng Pangasinan
• Hilaga at silangang bahagi ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, City of Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao)
• Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
• Hilagang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel)
• Hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, General Nakar) kabilang na ang nalalabing bahagi ng Polillo Islands

Inilagay naman sa Signal number 2 ang mga sumusunod na lugar:
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Timog-kanluran bahagi ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)
• Kalinga
• Timog bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao)
• Nalalabing bahagi ng Abra
• Ilocos Norte
• Zambales
• Bataan
• Pampanga
• Nalalabing bahagi ng Bulacan
• Metro Manila
• Rizal
• Cavite
• Laguna
• Gitna at silangang bahagi ng Quezon (Pitogo, Buenavista, Lucena City, Calauag, Pagbilao, Tiaong, Lopez, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, Dolores, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan)
• Camarines Norte
• Hilagang-kanluran ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot)

Habang, Signal number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Apayao
• Batangas
• Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kabilang ang Lubang Islands
• Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Pola, City of Calapan)
• Hilagang-kanluran bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Concepcion)
• Marinduque
• Nalalabing bahagi ng Quezon
• Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
• Catanduanes
• Albay

• Hilagang bahagi ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, City of Sorsogon, Prieto Diaz)
• Burias Island

Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Pepito bukas.

Facebook Comments