Nasa bahagi na ng Quirino Province ang Super Typhoon Pepito matapos itong mag-landfall sa bisinidad ng Dipaculao, Aurora.
Sa update ng DOST-PAGASA as of 5PM, namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Nagtipunan, Quirino.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 305 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang Signal number 5 sa gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao, Baler, Dinalungan, Maria Aurora, Casiguran, San Luis), timog bahagi ng Quirino (Nagtipunan), at timog bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Aritao, Bambang).
Signal number 4 naman sa mga sumusunod na lugar:
• Nalalabing bahagi ng Aurora
• Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
• Nalalabing bahagi ng Quirino
• Timog bahagi ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe)
• Benguet
• Timog bahagi ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin)
• La Union
• Silangang bahagi ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas)
• Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, San Jose City, Llanera, Carranglan, Science City of Muñoz, Talugtug, Cuyapo)
Nasa Signal number 3 naman sa:
• Timog bahagi ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, San Manuel, Burgos)
• Nalalabing bahagi ng Ifugao
• Mountain Province
• Timog bahagi ng Kalinga (Pasil, Tanudan, Lubuagan, Tinglayan)
• Timog bahagi ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo, Boliney, Peñarrubia, Bucloc, Sallapadan, Bucay)
• Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
• Nalalabing bahagi ng Pangasinan
• Hilaga at silangang bahagi ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, City of Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao)
• Nalalabing bahagi ng Nueva Ecija
• Hilagang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel)
• Hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, General Nakar) kabilang na ang Polillo Islands
Inilagay naman sa Signal number 2 ang mga sumusunod na lugar:
• Nalalabing bahagi ng Isabela
• Timog-kanluran bahagi ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)
• Nalalabing bahagi ng Kalinga
• Timog bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao)
• Nalalabing bahagi ng Abra
• Ilocos Norte
• Zambales
• Nalalabing bahagi ng Tarlac
• Hilagang bahagi ng Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Dinalupihan)
• Pampanga
• Nalalabing bahagi ng Bulacan
• Metro Manila
• Rizal
• Hilagang-silangang bahagi ng Laguna (Santa Cruz, Pila, Mabitac, Paete, Pagsanjan, Pangil, Santa Maria, Siniloan, Cavinti, Kalayaan, Lumban, Pakil, Famy)
• Gitnang bahagi ng Quezon (Sampaloc, Mauban, Perez, Real)
Habang, Signal number 1 naman sa:
• Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
• Nalalabing bahagi ng Apayao
• Nalalabing bahagi ng Bataan
• Cavite
• Nalalabing bahagi ng Laguna
• Batangas
• Nalalabing bahagi ng Quezon
• Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands
• Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, City of Calapan)
• Marinduque
• Camarines Norte
• Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Libmanan, Tinambac, Siruma, Cabusao, Canaman, Magarao, Calabanga, Bombon, Sipocot, Ragay, Del Gallego, Lupi, Lagonoy, Goa, Garchitorena, Pasacao, Pamplona, Camaligan, Gainza)
Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Pepito bukas ng umaga o tanghali.