Lumampas na sa katubigan ng hilagang bahagi ng Calaguas Islands ang bagyong Pepito at nasa karagatan na itong sakop ng Silangan ng Quezon Province.
Huling mamataan ang mata ng bagyo sa katubigan ng Vinzons, Camarines Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour at may pagbugso na hanggang 255 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Nakataas ang Signal No. 5 sa Silangang bahagi ng Polilio Islands at Calaguas Islands.
Habang nasa Signal No. 4 ang mga sumusunod na lugar:
• Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma)
• Natitirang bahagi ng Camarines Norte
• Hilagang bahagi ng mainland Quezon (General Nakar, Infanta)
• Natitirang bahagi ng Polilio Islands
• Gitna at katimugang bahagi ng Aurora (Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, Dipaculao, Dinalungan)
Silangang bahagi ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Laur, Bongabon, Palayan City, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad)
Timog-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda)
Silangang bahagi ng Quirino (Nagtipunan)
Nasa ilalim naman ng Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
• Hilagang bahagi ng Camarines Sur Sur (Sipocot, Ragay, Magarao, Del Gallego, Libmanan, Naga City, Bombon, Lupi, Cabusao, Calabanga, Goa, San Jose, Lagonoy, Presentacion, Caramoan, Garchitorena, Tinambac, Canaman, Camaligan)
• Kanlurang bahagi ng Catanduanes (Caramoran, Pandan, San Andres)
• Silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Lopez, Quezon, Perez, Alabat, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Mauban, Sampaloc, Real)
• Silangang bahagi ng Laguna Laguna (Santa Maria, Famy, Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti)
• Silangan at gitnang bahagi ng Rizal (Pililla, Tanay, City of Antipolo, Rodriguez, Baras, San Mateo, Morong, Teresa)
• Natitirang bahagi ng Aurora
• Silangan at gitnang bahagi ng Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat, City of San Jose del Monte, Santa Maria, Pandi, Baliuag, Bustos, Pulilan, Plaridel)
• Hilagang silangang bahagi ng Pampanga (Candaba, Arayat, Magalang, San Luis, San Simon, Mexico, Santa Ana, Apalit, Santo Tomas, City of San Fernando, Mabalacat City, Angeles City)
• Natitirang bahagi ng Nueva Ecija
• Tarlac
• Hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig),
• Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
• Natitirang bahagi ng Quirino
• Katimugang bahagi ng Isbaela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon)
• Gitna at Katimugang bahagi ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Cervantes, Suyo, Tagudin, Narvacan, Quirino, Sigay, Gregorio del Pilar, San Emilio, Santa Cruz, Salcedo, Banayoyo, City of Candon, Galimuyod, Santa Lucia, Lidlidda, Santa Maria, Burgos, Santiago, San Esteban, Nagbukel)
• La Union
• Pangasinan
• Benguet
• Ifugao
• Kanlurang bahagi ng Mountain Province (Sabangan, Bauko, Tadian, Bontoc, Sagada, Besao, Sadanga, Barlig)
• Katimugang bahagi ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro)
Isinailalim sa Signal No.2 ang mga bahagi ng:
• Albay
• Hilagang bahagi ng Marinduque (Santa Cruz, Boac, Mogpog, Torrijos)
• Natitirang bahagi ng Quezon Province
• Natitirang bahagi ng Laguna
• Natitirang bahagi ng Rizal
• Cavite
• Hilagang bahagi ng Batangas (City of Tanauan, Santo Tomas, Talisay, Lipa City, Malvar, Balete, Mataasnakahoy, Laurel, Padre Garcia, San Juan, Rosario)
• Metro Manila
• Bataan
• Natitirang bahagi ng Pampanga
• Natitirang bahagi ng Bulacan
• Natitirang bahagi ng Zambales
• Timog Kanlurang bahagi ng Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal
• Natitirang bahagi ng Isabela
• Natitirang bahagi ng Abra
• Katimugang bahagi ng Apayao (Conner, Kabugao)
• Kalinga
• Natitirang bahagi ng Mountain Province
• Natitirang bahagi ng Ilocos Sur
• Katimugang bahagi ng Ilocos Norte (Pinili, City of Batac, Banna, Nueva Era, Badoc, Currimao, Marcos, Solsona, Dingras, Sarrat, Paoay, Laoag City, San Nicolas)
Nasa Signal No.1 ang mga sumusunod na lugar:
• Hilagang bahagi ng Masbate (City of Masbate, Mobo, Aroroy, Baleno) kabilang ang Ticao at Burias Islands
• Natitirang bahagi ng Marinduque
• Hilagang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Romblon, Banton, Corcuera, Concepcion, San Andres, Calatrava, San Agustin),
• Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Pola, City of Calapan)
• Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) kabilang ang Lubang Islands
• Natitirang bahagi ng Batangas
• Natitirang bahagi ng mainland Cagayan
• Natitirang bahagi ng Apayao
• Natitirang bahagi ng Ilocos Norte
Ayon sa PAGASA, inaasahang hihina nang bahagya ang Bagyong Pepito bago ito lumapag sa kalupaan sa ikalawang pagkakataon.
Posible itong humina sa severe tropical storm category pagdating sa mainland Luzon at lalong hihina pagdating sa West Philippine Sea.