Bagyong Pepito nasa labas na ng PAR; binabantayang LPA, maaaring maging bagyo pagsapit ng weekend

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong pepito pero lumakas pa ito at isa nang ganap na typhoon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 485 kilometro Kanluran, Hilagang Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.


Patuloy itong kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilomerto kada oras.

Asahan pa rin ang katamtamaan hanggang malalakas na pag-uulan sa bahagi ng Batanes, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.

Pinag-iingat din ng pag-asa ang mga nasa nabanggit na lugar sa posibelng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, inaasahang papasok sa bansa bukas ang isa pang binabantayan na Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 1,200 kilometro Silangan ng Mindanao at posible pa itong maging isang bagyo pagsapit ng weekend.

Facebook Comments