Bagyong Pepito, patuloy na tumatawid ng Caraballo-Cordillera Mountains; Signal number 2, nakataas sa 13 lalawigan

Patuloy na kumikilos sa direksyong Kanluran – Hilagang Kanluran ang Tropical Storm “Pepito” sa bahagi ng kabundukan ng Caraballo-Cordillera area.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Bambang, Nueva Vizcaya.

Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 125 km/hr.


May bilis itong nasa 20 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar.

SIGNAL NUMBER 2:

Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Katimugang bahagi ng Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Hilagang bahagi ng Zambales

SIGNAL NUBER 1:

Ilocos Norte
Kalinga
Abra
Natitirang bahagi ng Zambales
Pampanga
Bulacan
Bataan
Metro Manila
Rizal
Hilagang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang tatawid ang bagyo sa Luzon landmass ngayong umaga.

Mataas ang tiyansang humina ito pagkatawid sa kalupaan pero hindi rin inaalis ang posibilidad na mapanatili ang lakas nito.

Magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Central Luzon, Cordillera Administrative Region, northern Quezon, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, La Union at Pangasinan.

Mayroon namang mahihina hanggang sa katamtaman na may minsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Region.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o hapon.

Samantala, may isang Tropical Depression na binabantayan sa labas ng PAR na nasa 1,825 kilometers Silangan, Hilagang Silangan ng Basco Batanes.

Mayroon itong lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 km/hr.

May bilis itong nasa 15 km/hr at tinatahak ang direksyong Silangan, Timog Silangan.

Sa ngayon, mababa ang tiyansang pumasok ito sa bansa.

Facebook Comments