Bagyong Perla, posibleng magtagal pa sa Philippine Sea

Binabantayan sa loob ng bisinidad ng bansa ang tropical depression ‘Perla.’

Huling namataan ang bagyo sa layong 910 kilometers silangan ng Tuguegarao City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 55 kph.


Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 10 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – malayo ito sa bansa kaya wala pang direktang epekto.

Bad news, posibleng mamalagi pa ang bagyo sa Philippine Sea sa loob ng dalawang araw bago ito lumapit ng kalupaan.

Pero good news, habang papalapit ito ay hihina ito dulot ng malamig na hanging dala ng northeasterly surface windflow.

Sa ngayon, asahan ang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Facebook Comments