Patuloy na humihigop ng lakas sa West Philippines Sea (WPS) ang tropical storm ‘Quiel.’
Huli itong namataan sa layong 400 kilometers kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 85 kilometers per hour at pagbugsong nasa 105 kph.
‘Almost stationary’ o halos hindi gumagalaw ang bagyo sa lokasyon nito.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
Dahil mananatili pa ito sa loob ng bansa sa susunod na 24-oras, mataas ang tiyansang lumakas pa ang bagyo.
Bunsod nito, asahan ang maghapong ulan sa Zambales, Bataan, at Palawan.
Sa Metro Manila at silangang bahagi ng Luzon ay posibleng magkaroon pa rin ng ulan lalo na sa gabi.
May mahihinang ulan sa hilagang Luzon dulot naman ito ng tail-end of cold front.
Mananatiling maaliwalas sa central at Eastern Visayas at sa buong Mindanao.