Nananatili pa rin sa West Philippines Sea (WPS) at nag-iipon ng lakas ang severe tropical storm ‘Quiel.’
Huling namataan ang bagyo sa layong 380 kilometers west-northwest ng Coron, Palawan.
Napanatili rin nito ang lakas ng hanging nasa 110 kilometers per hour at pagbugsong 135 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – dahil nasa karagatan ang bagyo, lalakas pa ito.
Kaya, patuloy ang mga maghapong ulan sa hilagang Luzon kasama ang Ilocos Norte, Apayao, Cagayan Valley at Western Visayas.
Kaugnay nito, nasa tatlong tao na ang namatay habang dalawa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Quiel sa Cagayan Province.
Nasa halos 4,000 tao ang nananatili sa 47 evacuation centers.
Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba – umapaw ang Cagayan River dahil sa walang humpay na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha at landslides.
Dahil dito, inilagay na sa state of calamity ang mga bayan ng Claveria AT Alacapan.