Lalo pang lumakas at isa nang Severe Tropical Storm ang bagyong Quinta habang nagbabadya sa Catanduanes-Albay-Sorsogon area.
Huling namataan ang bagyo sa layong 180 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbusgong 115 km/h.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 km/h.
Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa ilang lalawigan sa Luzon kabilang ang:
• Catanduanes
• Camarines norte
• Camarines sur
• Albay
• Sorsogon
• Masbate kabilang ang Burias and Ticao Islands
• Central and southern portions ng Quezon
• Batangas
• Marinduque
• Romblon
• Oriental Mindoro
• Occidental Mindoro including Lubang Island
Habang sa Visayas, Signal number 2 rin sa Northern Samar.
Signal number 1 naman sa:
LUZON
• natitirang bahagi ng Quezon
• Laguna
• Rizal
• Cavite
• Metro manila
• Bulacan
• Pampanga
• Bataan
• Southern portions ng Zambales
• Calamian Islands
VISAYAS
• Northern portion ng Samar
• Northern portion ng Eastern Samar
• Northern portion ng Capiz
• Aklan
• Northern portion ng Antique
• Northeartern portion ng Iloilo
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo Martes ng tanghali.