Tumama na sa Cagayan ang Typhoon Ramon kaninang madaling araw.
Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng bayan ng Sta. Ana.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 Kilometers per hour at pagbugsong nasa 150 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod:
Signal Number 3 | Signal Number 2 | Signal Number 1 |
Hilagang bahagi ng Cagayan partikular sa:
– Santa Praxedes – Claveria – Sanchez Mira – Pamplona – Abulug – Ballesteros – Aparri – Calayan – Camalaniugan – Buguey – Santa Teresita – Gonzaga – Santa Ana – Allacapan – Lal-lo
|
Batanes
Apayao Kalinga Abra Ilocos Norte Ilocos Sur Nalalabing bahagi ng Cagayan |
Hilagang bahagi ng Isabela partikular sa:
– Santa Maria – San Pablo – Maconacon – Cabagan – Sto. Tomas – Quezon – Delfin Albano – Tumauini – Divicalan – Quirino – Roxas – Mallig – San Manuel – Burgos – Gamu – Ilagan City Mountain Province Bengue Ifugao Lan union Pangasinan |
Ayon sa PAGASA, inaasahang hihina na ang bagyo dahil sa pag-landfall nito at sa umiiral na hanging amihan.
Asahan naman ang paminsan-minsan hanggang madalas na malakas na pag-uulan sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Apayao.
Mahina hanggang katamtaman na panaka-nakang malakas na ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mt. Province, Kalinga at Northern portion ng Isabela.
Ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga lugar na nasa Storm Warning Signals, Seaboard ng Southern Isabela, at Western Seaboard ng Zambales at Bataan.