Kasalukuyang nasa West Philipine Sea na ang Bagyong Rolly at inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
Huling itong namataan ng PAGASA sa layong 540 kilometro Kanluran ng Subic, Zambales.
Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Taglay ng Bagyong Rolly ang lakas ng hanging aabot 75 kph malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 90 kph.
Sa ngayon, wala na itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.
Habang ang Bagyong Siony naman ay huling nakita sa layong 565 kilometro Silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 85 kph at pabugsong aabot sa 105 kph.
Mabagal naman itong kumikilos pa-Silangan Hilagang-Silangan.
Inaasahang lalapit ang Bagyong Siony sa kalupaan ng Northern Luzon sa Biyernes kaya’t nag-abiso na ang PAGASA na anumang araw bukas ay maaari na silang magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa mga maaapektuhang lugar.