Bagyong Rolly, lalo pang humina habang nasa baybayin ng Bataan

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong umaga ang Tropical Storm Rolly.

Huling namataan ang bagyo sa layong 155 kilometers Kanluran ng Sangley Point, Cavite o 95 kilometers Kanluran-Timog Kanluran ng Subic Bay.

Humina pa ang dala nitong lakas ng hanging na aabot na lamang sa 75 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 km/hr.


Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod:

–              Hilagang Kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro (kabilang ang Lubang island)

–              Kanlurang bahagi ng Batangas

–              Dulong kanlurang bahagi ng Laguna

–              Cavite

–              Metro Manila

–              Kanlurang bahagi ng Bulacan

–              Kanlurang bahagi ng Pampanga

–              Bataan

–              Katimugang bahagi ng Zambales

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang mananatili ang bagyo sa tropical storm category habang papalabas ng PAR pero may tiyansa ring humina na ito bilang Low Pressure Area (LPA).

Asahan ang mahina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.

Facebook Comments