Bagyong “Rosal,” bahagyang lumakas; patuloy na magpapaulan sa Calabarzon at Mimaropa

Bahagyang lumakas ang Bagyong Rosal habang kumikilos palayo sa kalupaan ng bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 420 kilometers East Northeast ng Casiguran Aurora o 455 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 km/h.


Kumikilos ito pa-Silangan Hilagang-silangan sa bilis na 15 km/h.

Ayon sa PAGASA-DOST, makararanas pa rin ng pag-ulan at thunderstorms ang CALABARZON, hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Marinduque.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente mula sa mga apektadong lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at isolated rainshower o thunderstorm bunsod ng trough ng bagyo at ng localized thunderstorm.

Facebook Comments