BAGYONG ROSITA | 8 milyong estudyante, hindi nakapasok – DepEd

Apektado ang pag-aaral ng 8 milyon at 800,000 estudyante kasabay ng paghagupit ni bagyong Rosita sa Nothern at Central Luzon.

Sa datus ng Department of Education (DepEd) sa Region 5 ang
pinakamaraming eskwelahan na nagkansela ng klase sa bilang na 3,800.

3627 naman sa Region 3 habang 3505 na paaralan ang nagdeklara ng class suspension sa Region 4A.


Ayon kay DepEd Undersecretary Anne Sevilla, binibilang nila ngayon kung sobra na ba ang pag-absent ng mga mag-aaral dahil sa mga nagdaang kalamidad.

200 school days dapat ang pinasok ng mga bata sa paaralan loob ng isang taon para masiguro ang dekalidad na edukasyon.

Dahil dito nakikipag-ugnayan sila sa regional office ng DepEd para makalap ang kumpletong class attendance ng mga estudyante.

Sa ngayon nagpapatupad ng make up classes ang DepEd at meron din silang tinayong temporary classroom pero hindi ito uubra kung may bagong bagyo na naman kinahaharap.

Gayunman positibo ang DepEd na magagawan ito ng paraan ng mga guro kung paano makakahabol sa aralin ang mga estudyante.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments