BAGYONG ROSITA | Supply ng kuryente sa Isabela at Cagayan, bumagsak

48 porsiyento ng lalawigan ng Isabela na ang wala nang suplay ng kuryente habang 55 porsiyento naman sa Cagayan matapos na tumama na sa kalupaan ang bagyong Rosita kaninang madaling araw.

Batay sa datus ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kabilang sa wala nang supply ng kuryente ang Santiago-Cauayan 69KV Line, Gamu-Ilagan-Naguilian-Reina Mercedes 69KV Line at Tuguegarao-Cabagan 69KV line ng ISELCO I & ISELCO II.

Ganito din ang sitwasyon sa Tuguegarao-Tabuk 69kV Line, Magapit-Sta. Ana 69kV Line CAGELCO I at KAELCO, ang Concepcion-Camiling 69kV Line ng TARELCO.


Gayunman, sisikapin ng NGCP na makapagsagawa ng inspection at restoration kapag gumanda na ang panahon.

Ayon naman kay Electric Coops President and General manager Janeen Colingan, bandang alas 10 kagabi ng mawalan din ng supply ng kuryente ang buong Santiago City habang bumagsak ang supply ng kuryente sa buong Isabela bago pa lang mag-a-alas dose ng hatinggabi.

Sa ngayon aniya nasa 9% na ng Isabela ang naibalik na supply ng kuryente.

Asahan na tataas pa ang bilang ng mga nasirang transmission lines habang patuloy pa nilang inaalam ang estado ng mga power lines.

Facebook Comments