Manila, Philippines – Palabas na ng West Philippine Sea ang tropical storm Salome.
Huli itong namataan 55 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Subic, Zambales.
May lakas na hanging 65 kph at pagbugsong 100 kph.
Mabilis itong kumikilos sa 20 kilometers per hour.
Inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
Nakataas ang storm warning signal number 2:
Bataan
Southern Zambales
Signal number 1:
Pampanga
Bulacan
Cavite
Batangas
Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
Natitirang bahagi ng Zambales
Metro Manila
Nakataas ang yellow warning sa Pampanga, Bataan at Zambales kung saan magkakaroon ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng umaga.
Facebook Comments