Bagyong Salome, nasa labas na ng bansa; Panibagong Low Pressure Area – namataan

Manila, Philippines – Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Salome na ilang linggo binabantayan ngunit may bagong minomonitor ang PAGASA na Low Pressure Area na huling namataan sa layong 595 kilometers, silangan ng General Santos, South Cotabato.

Inaasahan ang malakas na ulan sa bahagi ng Caraga, Davao, SOCCSKSARGEN at Misamis Oriental Province.

Aasahan rin ang thunderstorm warning signal sa Metro Manila kaya asahan ang ilang pag-ulan pagdating ng hapon.


Nag-abiso ang rin PAGASA na mag-ingat ang mga residente sa nasabing mga probinsiya sa posibleng pagbaha at landslides.

Sunrise: 5:55am
Sunset: 5:25am

Facebook Comments